Ngayong umaga, syempre pa ay late na naman ako sa
pagpasok, ang tagal ko
naghintay sa MRT bus. Sa wakas ay dumating ang
hinihintay kong pagkakataon
na ako na ang mapunta sa unahan ng pila. Habang
bagot na bagot na ako,
itong girl na katabi ko naman ay super basa lang
ng diyaryo? di ko
maintindihan kung ano ang meron sa diyaryo at
kailangan pang bilhin. Puro
naman patayan at nakawan ang mababasa mo? eh
names and places lang naman
ang nagbago!!! Ay? sandali... ayan na ang MRT?
pasok Athan! Dali! Ang
totoo... di ko na kailangan pang humakbang kasi
halos buhatin na ako ng
mga tao! Bata, matanda, may ngipin o wala!
Halo-halo na! kulang na lang..
sauce ng sardines at kumpleto na ang rekado!!!
Grabe na itu! Sabay komento ng isang babaeng
natapakan? "kung di ka nga
naman makabaril ng tao dito ewan ko na lang!!!"
with matching ngitngit!
Mabuti na lang at walang
hawak na baril yung girl at baka din na ako
nakarating sa appointment ko?
at malamang ay kay Lord na ako
nakipag-appointment!
Kaya nga dapat!!! Deregulations ng GUNS!!! Dapat
lahat ng tao may Baril?
para maging normal na siya sa ating lahat tulad
ng celfone!!! Paano ka pa
magyayabang na may baril ka eh lahat naman meron
debah!
Suggestion ko ay REGULATIONS NG BALA!!!! Dapat
bawat bala? mula sa
presyong Php 30.00 isa? ay maging FIVE HUNDRED
THOUSAND PESOS ISA!!!
Kapag nagkaganon! Wala nang tatawagin na
"Innocent by-standers" kasi dapat
sikat ka bago ka barilin at pag-aksayahan ng Php
500,000.00 debah! Bago
mamaril ang mga pulis? o magpaputok ng mga baril
nila sa panahon ng bagong
taon, iisipin muna nila na.. "putsa, sayang ang
bala ko, 2nd-hand na kotse
ko na rin ito ah!!!"
At yung mga mayayabang namang civilians? ay
ganito ang litanya nila sa
away habang nakatutok ang mga baril sa isa't isa:
"Hayup ka! Magtatrabaho muna ako sa isang
malaking kumpanya, mago-overtime
ng marami at maglalakad na lang ako or maba-bike
papuntang trabaho ko para
maipon ko yung pambili ng bala at tsaka kita
babarilin! Antayin mo ako
ha!!! Oo nga pala, dapat wag kang kikilos kapag
binabaril na kita kasi
sayang ang bala ko kung daplis lang!!!
Naiintindihan mo!!! Naiintindihan
mo!!! Ha! ha! ha! babarilin kita.. kung afford ko
lang sana!!!!"
(end)
Monday, September 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hahaha! this is too darn funny!! i love this!
*bloghopping!
ewan ko sayo sir... pwede ba yun... lahat tayo may baril????
hmmmmm!!!!
hayaan nyo pag nasa senate na ako popropose ko yan
Post a Comment