Hmm... kaninang umaga... sumakay ako ng MRT,
dahil siguro sa sobrang antok pa ako... tuloy-tuloy
lang ako sa MRT... pumila para bumili ng CARD at
pagkatapos ay pumila na naman para makapasok
at ma-inspection ng guards... aba! ambilsi ng pila...
parang halos dumadaan lang ang mga tao.. kahit
may bag ka pa o wala... noon ko lang napansin
ang mga "kahoy na sticks" na hawak ng mga
guard... bawat papasok na may bag ay ipinapasok
lamang ng mga guards ang "stick" sa loob ng bag
at nalalaman na nila agad kung may bomba ka o
wala... makakapasok ka kaagad matapos
maipasok at mailabas na muli ang
mahiwagang "stick" sa loob ng bag mo! Wow!!! Hi-
tech!!!! walang battery subalit nagagawa nilang yun
ang gamitin sa inspection... minsan pa nga ay
nagtsi-check sila ng bag habang nagku-kwentuhan
at hindi nakatingin sa bags na kung saan
ipinapasok lang nila ang nasabing "sticks"
Malamang ay meron itong mga "microchips" na
kung saan ay nakaka-detect ito ng bomba or TIN
cans! grabe na itu!
Eto pa... sa iba naman ay kamay lamang ang
inihihipo nila sa bag o sa likod mo tuwing dadaan
ka sa kanila. Isang malaking palaisipan para sa
akin ang "technology" na ginagamit nila upang
pangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng mga
masang pilipino na sumasakay sa MRT.
Mabuhay ka pinoy!!! Wala kang katulad!!! Kaya
para sa akin ay din na kailangan yang mga anti-
terrorism bill na yan... tutal.. Hi TECH na tayo!!!
Monday, September 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
aa high tech nga.. galing tlaga ng pinoy!
hahaha..malamang mahirap na training ang pinag daanan ng mga inspectors na yun.. mahal din cguro ung "inspection sticks" nila... hehehe!
ah ganito kasi yan...naimbento na ng mga pinoy ang nano tech nauna pa tayo sa mga hapon we already have that but yun nga lang ie under observation pa yun mga after 5years pa malalaman pag walang nakalusot na bomba ganun yun...sa paghipo naman ganun din nano tech din ang gamit ng mga pinoy...gets hihihihi ^_^
Post a Comment