Tuesday, September 11, 2007

Salamat po... Ama, Ina, Lolo at Lola!

Last Sunday, we held the Grandparents and Parents Day in our Locale of Murphy. We paid tribute and recognized all the Love and Care that our Grandparents and Parents have shared to each and every one of us. On this blog, I would like to share with you my speech that I've read during the ceremony. We were holding white roses as we invite our loved ones to stand up and listen to the pledge that we have prepared. I do hope that you will find it in your heart to tell these lines too to your parents and Grandparents...

while they could still comprehend... appreciate...

and look at us back in our eyes and see through to our hearts...

while they are still with us. ..


read on...

Mula sa amin na inyong mga anak at apo: KADIWA

Salamat po!

Salamat po ng napakarami sa inyong pagmamahal. Pagmamalasakit at sa inyong malawak na pang-unawa. Sa aming mga pag-gawa araw-araw, sa aming paglalakbay sa mundong ito. Kayo po ang palaging tanglaw sa aming dinaraanan. Kayo po ang nagsisilbing gabay ko sa mundong ito sa aking paghahanap ng mabuting kapalaran.


Nais naming suklian ng tunay na pagmamahal at pagaaruga naman sa inyo na buong buhay na nag-alay ng pagaalaga at pagmamahal sa amin na inyong mga anak. Pinahahalagahan naming ang buong puso ninyong pagpatnubay sa amin na inyong mga anak.


Kung anoman ang aking narating sa buhay na ito…

Kung ano man ang aking mga pangarap ngayon at sa hinaharap…

Kung ano man po ang aking nais pang maabot…

Ito ay alay ko sa iyo na aking pinakamamahal na magulang at aking Lolo at Lola.

Kayo po ang nagsisilbing inspirasyon ko upang magtagumpay sa buhay na ito.


Kalakip nito ay aking ipinangangako sa araw na ito. Saksi ang ating Panginoong Jesu-Cristo at ang ating Panginoong Diyos, na ako ay magiging mabuti at mapagmahal na anak sa inyo at handa akong ibigay ang aking buong panahon at ikinabubuhay upang maging maligaya kayo sa inyong pagtanda. Upang ang buhay at lakas na aking taglay ay maihandog ko rin sa inyo, tulad ng ginawa ninyo sa akin simula sa aking pagkabata. Sa hirap at sa ginhawa, sa karamdaman at kalumbayan man. Hindi ko po kayo pababayaan.

Nagpapasalamat po ako sa panginoong Diyos dahil sa pagkakaloob Niya sa akin ng isang magulang na tulad ninyo at wala na akong mahihiling pang iba!


(end)

1 comment:

Anonymous said...

Kuya! Roan to :) Wow sarap naman ng ginawa niyo for the parents and grandparents. Miss ko na murphy! umalis na pala si Ate tess...

May blog din ako :) ililink kita ha!